Bilang espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumigkas ng talumpati kahapon, Disyembre 1, 2023, si Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng bansa sa World Climate Action Summit sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).
Tinukoy ni Ding, na noong walong taong nakararaan, sa pamamagitan ng pinakamalaking pulitikal na determinasyon at talino, narating ni Xi at mga lider ng iba’t ibang bansa ang Paris Agreement, para pasimulan ang bagong proseso ng pandaigdigang pagtutulungan tugon sa pagbabago ng klima.
Aniya, batay sa pangako nito, ibinibigay ng Tsina ang mahalagang ambag para sa pandaigdigang pangangasiwa ng klima, sa pamamagitan ng pagtataguyod sa pandaigdigang kooperasyon sa berdeng pag-unlad, rebolusyong pang-enerhiya, at pagharap sa pagbabago ng klima, at pagsuporta sa pagpapalakas ng mga umuunlad na bansa ng kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima.
Iniharap din ni Ding ang tatlong mungkahi ng Tsina para sa pagpapalakas ng determinasyon at kakayahan ng iba’t ibang panig sa magkakasamang pagharap sa pagbabago ng klima.
Una, isagawa ang multilateralismo, at igiit ang mga target at prinsipyo sa United Nations Framework Convention on Climate Change at Paris Agreement.
Ikalawa, pabilisin ang berdeng transpormasyon, palakihin ang proporsyon ng renewable energy, at pasulungin ang malinis, low-carbon, at episyenteng paggamit ng tradition energy.
At ikatlo, tuparin ang mga ginawang pangako, at higit sa lahat, tumpak na dagdagan ng mga maunlad na bansa ang suporta sa mga umuunlad na bansa sa pondo, teknolohiya, at pagpapalakas ng kakayahan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos