FM ng Tsina: aktibong makikisanggot ang Tsina sa pandaigdgiang pagsasaayos ng karapatang pantao

2023-12-06 15:54:02  CMG
Share with:

Dumalo at bumigkas ng keynote speech Disyembre 5, 2023, sa Beijing, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng internasyonal na symposium bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

 

Dumalo si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng internasyonal na symposium bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao (photo from Xinhua)


Ipinahayag ni Wang na palagiang inilalagay ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino ang pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa mahalagang posisyon.

 

Ang landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na pinili ng Tsina ay angkop sa kalagayan ng bansa at mithiin ng mga mamamayan, at buong tatag na tumatahak ang Tsina sa landas na ito.

 

Binigyan-diin ni Wang na aktibong makikisangkot ang Tsina sa pandaigdigang pagsasaayos ng karapatang pantao, isasakatuparan ang Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao, pabubutihin ang komong kahalagahan ng buong sangkatauhan, para pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng usaping karapatang pantao ng buong daigdig.

 

Itinaguyod ang naturang simposyum ng China Foundation For Human Rights Development, na nilahukan ng mga opisyal, dalubhasa, mga sugo mula sa iba’t ibang bansa ng Asya, Aprika, Latin Amerika, Europa sa Tsina, at Tanggapan ng Mataas na Komisyoner sa Karapatang Pantao ng United Nations, at mga kinatawan ng organisasyong di-pampamahalaan.

 

Malalim na tinalakay ng mga kalahok ang pagpapasulong ng karapatan ng ekonomiya, lipunan at kultura, landas ng pag-unlad ng karapatang pantao, pandaigdigang pagsasa-ayos ng karapatang pantao at iba pang tema.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil