Mas malaking ambag sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao, gagawin ng Tsina

2023-10-12 11:40:19  CMG
Share with:

Muling nahalal ang Tsina, Oktubre 10, 2023 sa Ika-78 Sesyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA) bilang kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) mula 2024 hanggang 2026.

 

Kaugnay nito, inihayag Oktubre 11 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na mas malaking ambag ang gagawin ng bansa sa pagpapasulong ng malusog na pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.

 

Saad ni Wang, laging iginigiit ng Tsina ang ideya ng karapatang pantao, na nakasentro sa kapakanan ng mga mamamayan, itinuturing ang maligayang pamumuhay ng mga mamamayan bilang pinakamalaking karapatang pantao, at tumatahak sa landas na angkop sa direksyon ng panahon at aktuwal na kalagayan ng sariling bansa.

 

Historikal na tagumpay ang natamo ng usapin ng karapatang pantao ng bansa, dagdag niya.

 

Ani Wang, gagawing pagkakataon ng Tsina ang muling pagkahalal bilang kasapi ng UNHRC, upang patuloy at aktibong sumali sa pandaigdigang pangangasiwa sa karapatang pantao, malawakang makipagpalitan at makipagtulungan sa iba’t-ibang bansa sa larangan ng karapatang pantao, at gawin ang mas malaking ambag sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio