Ika-8 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng LMC, idinaos sa Beijing

2023-12-08 16:10:32  CMG
Share with:

Idinaos Disyembre 7, 2023, sa Beijing, ang ika-8 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na magkakasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at U Than Swe, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Myanmar.

 


Sinabi ni Wang na magsisikap ang Tsina, kasama ng mga bansang Mekong, para magkakasamang itatag ang komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran sa kahabaan ng Lancang-Mekong River tungo sa kapayapaan at kasaganaan, para ang lugar na ito ay maging sonang tagapagpakita ng mga bunga ng “Belt and Road,” sonang tagapagbunsod para sa Global Development Initiative, sonang pang-eksperimentong para sa Global Security Initiative at sonang nangunguna para sa Global Civilization Initiative.

 

Inilahad din ni Wang ang anim na mungkahi hinggil sa LMC sa susunod na yugto: pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng may pinagbabahaginang kapalaran; paglikha ng mas magkakaugnay na sinturon ng pag-unlad ng ekonomiya; pagbuo ng mas ligtas na kapaligiran ng pag-unlad; pagtahak tungo sa mas didyital na pag-asam ng pag-unlad; pagpapalalim at pagbuo ng mas katangi-tanging kooperasyong tao-sa-tao at kultural; at pagtaguyod ng mas inklusibong konsepto ng kooperasyon.

 

Pinapurihan naman ng mga iba pang panig ang positibong ambag na ibinigay ng Tsina para sa pagpapasulong ng kooperasyong LMC at sumasang-ayon sa mga mungkahi ng Tsina para sa susunod na yugto.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil