Ikalawang season ng “Classic Quotes by Xi Jinping” sa wikang Biyetnames, isinasahimpapawid sa Biyetnam

2023-12-11 18:22:10  CMG
Share with:

Bago ang pagbisita ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Biyetnam, sinimulan Disyembre 11, 2023, ang pagsasahimpapawid sa bansa ng ikalawang season ng programang “Classic Quotes by Xi Jinping” sa wikang Biyetnames, na iniprodyus ng China Media Group (CMG).

 

Sa kanyang video speech sa seremonya ng pagsisimula ng programa, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam.

 

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG


Binigyan-diin aniya ng mga lider ng dalawang bansa na dapat palakasin ang pagpapalitan ng karanasan sa pamamahala ng bansa, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames, at usaping sosyalismo.

 

Umaasa si Shen, na mas maraming bintana ang bubuksan ng naturang programa upang mas maunawaan ng mga mamamayan ng Tsino at Biyetnames ang isa’t-isa.

 

Samantala, ipina-abot naman ni Presidente Tien Sy Do ng Voice of Vietnam (VOV), ang pagbati sa pagsasahimpapawid ng programa.

 

Presidente Tien Sy Do ng Voice of Vietnam (VOV)


Aniya, ang Biyetnam at Tsina ay magkapitbansa, at umaasa ang kapuwa panig na maitatatag ang matibay na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.

 

Nitong 15 taong nakalipas, sapul nang itatag ng Tsina at Biyetnam ang komprehensibong estratehikong partnership, patuloy na umuunlad ang relasyon tungo sa aktuwal at epektibong direksyon, at natamo ang mga dakilang bunga sa iba’t-ibang larangan.

 

Ang ikalawang season ng “Classic Quotes by Xi Jinping” sa wikang Biyetnamese ay isinahimpapawid sa Vietnam Digital Television (VTC) at VTC Now, plataporma ng bagong media ng VTC.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio