Kumprensya ng mga Estadong Kalahok sa Kumbensyon ng UN Laban sa Korupsyon, dinaluhan ng delegasyong Tsino

2023-12-13 16:07:19  CMG
Share with:

Disyembre 11, 2023, Atlanta, Amerika – Sa kanyang talumpati sa Ika-10 Kumprensya ng mga Estadong Kalahok sa Kumbensyon ng United Nations (UN) Laban sa Korupsyon, ipinahayag ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Amerika, na ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng pagkakalagada ng nasabing kumbensyon.

 


Hinggil dito, sinabi niyang sa mula’t mula pa’y, malinaw ang paninindigan ng Tsina sa paglaban sa korupsyon at ito ay suportado ng mga Tsino.

 

Samantala, sa kanyang panayam sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Ma Xinmin, Direktor-heneral ng Departamento ng Kasunduan at Batas ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay namumunong kalahok at mahalagang tagapag-ambag sa pandaigdigang pamamahala sa paglaban sa korupsyon.

 

Patuloy aniyang sinusuportahan ng Tsina ang UN sa pagganap nito ng sentral na papel sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa korupsyon, at pagsusulong sa naturang kumbensyon bilang nukleo ng pagsawata sa korupsyon.

 

Kasama ng ibang bansa, aktibong tutulungan ng Tsina ang mga umuunlad na bansa para palakasin ang kanilang kakayahan ng paglaban sa korupsyon, dagdag ni Ma.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio