Sa kanyang pakikipagtagpo ngayong araw, Disyembre 18, 2023, sa Beijing, kay Pak Myong Ho, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Democratic People's Republic of Korea (DPRK) ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at DPRK ay mayroong tradisyunal na pagkakaibigan.
Sa ilalim aniya ng estratehikong pamumuno ng mga pinakamataas na lider ng dalawang bansa at partido, lalo pang umuunlad ang pagkakaibigang ito.
Dagdag ni Wang, sa mula’t mula pa’y, tinitingnan ng Tsina ang relasyon sa DPRK, sa estratehiko at pangmalayuang anggulo, at kasama ng DPRK, magsisikap ang Tsina para lalo pang mapalakas ang pag-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon.
Ipinahayag naman ni Pak Myong Ho, na matatag na paninindigan ng DPRK ang palagiang pagpapalakas ng relasyon sa Tsina.
Patuloy aniyang pinapalakas ng DPRK ang multilateral na pakikipagkooperasyon sa Tsina para mapangalagaan ang komong kapakanan, at kapayapaan at katatagan ng Silangang Asya, aniya pa.
Si Pak Myong Ho ay dumadalaw sa Tsina para sa Diplomatikong Konsultasyon ng dalawang panig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio