Mga lider ng Tsina at DPRK, nagpadala ng pagbati sa isa’t-isa kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagkakalagda sa “Treaty on Friendship, Cooperation and Mutual Assistance between the PRC and the DPRK”

2021-07-11 12:11:00  CMG
Share with:

Linggo, Hulyo 11, 2021, ipinadala nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Kim Jong-un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea, ang mensaheng pambati sa isa’t-isa kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng pagkakalagda sa “Treaty on Friendship, Cooperation and Mutual Assistance between the PRC and the DPRK.”

Sa mensahe, tinukoy ni Xi na nitong 60 taong nakalipas, iginigiit ng Tsina at Hilagang Korea ang diwa ng kasunduang ito, buong tatag na nagkakatigan, at magkasamang nagpupunyagi, bagay na nagpapalakas ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang partido at bansa.

Pinasusulong din aniya nito ang pag-unlad ng sosyalistang usapin ng dalawang bansa, at napapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong daigdig.

Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino na handa siyang niyang magsikap kasama ni Kim Jong-un para mapasulong pa ang mapagkaibigang kooperasyon ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Kim Jong-un na ang pagkakalagda sa nasabing kasunduan ay nagpapakita sa buong daigdig ng matatag na kusang-loob ng dalawang partido, pamahalaan, at mga mamamayan sa pagpapaunlad ng napakatibay na pagkakaibigang Hilagang Koreano-Sino.

Sinabi niya na sa harap ng masalimuot at nagbabagong situwasyong pandaigdig, lumalalim ang pagtitiwalaan at pagkakaibigan, at nakapasok na sa mas mataas na yugto ang pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa.

Diin pa niya, ang walang humpay na pinalalaks at pinauunlad ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Hilagang Korea sa Tsina, at ito ay di-nagbabagong posisyon ng partido at pamahalaan ng kanyang bansa.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method