Muling pagkahalal ni Sisi bilang pangulo ng Ehipto, binati ni Xi Jinping

2023-12-20 15:47:27  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala, Disyembre 19, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Abdel-Fattah al-Sisi, kaugnay ng kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng Ehipto.

 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na ilang taon, masiglang umuunlad ang relasyong Sino-Ehipto, mabungang mabunga ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, at walang humpay na lumalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Lubos niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng bilateral na relasyon, at nakahandang magsikap, kasama ni Pangulong Sisi, upang patuloy at buong tatag na suportahan ang isa’t isa, pasulungin ang kanilang kooperasyon sa Belt and Road, magkasamang ipagtanggol ang komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa, paunlarin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, dagdag ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil