Tsina at Rusya, patuloy na palakasin ang kalakalan

2023-12-20 16:19:11  CMG
Share with:

Magkasamang pinanguluhan Disyembre 19, 2023, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministrong Mikhail Mishustin ng Rusya ang Ika-28 Regular na Pulong sa pagitan ng Puno ng Pamahalaan ng Tsina at Rusya.

 

Magkasamang pinanguluhan nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministrong Mikhail Mishustin ng Rusya ang Ika-28 Regular na Pulong sa pagitan ng Puno ng Pamahalaan ng Tsina at Rusya(Photo from Xinhua)


Ipinahayag ni Li na ang susunod na taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya. Nakahanda ang Tsina na gamitin ang pagkakataong ito upang maisakatuparan nang mabuti ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, walang humpay na ipagpatuloy ang hene-henerasyong pagkakaibigan ng Tsina at Rusya, at pasulungin ang relasyong Sino-Ruso para maisakatuparan ang mas malaking bagong pag-unlad.

 

Ipinahayag naman ni Mishustin ang pakikiramay sa Tsina hinggil sa mga nasawi dulot ng lindol na naganap sa lalawigang Gansu ng Tsina.

 

Sinabi niyang nakahanda ang Rusya na magsikap, kasama ng Tsina, para palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan, enerhiya, pamumuhunan, palalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao at kultura, pahigpitin ang komunikasyon at koordinasyon sa loob ng mga multilateral na mekanismo na kinabibilangan ng United Nations, BRICS at iba pa.

 

Pagkatapos ng pulong, nilagdaan ng kapuwa panig ang isang magkasanib na komunike sa mga regular na pagpupulong at magkasamang sinaksihan ang paglagda ng ilang mga dokumento ng bilateral na kooperasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil