Spring Festival, naging floating holiday ng UN

2023-12-23 17:46:43  CMG
Share with:

Pinagtibay kahapon, Disyembre 22, 2023, ng United Nations (UN) General Assembly ang resolusyon sa pagtatakda ng Spring Festival bilang floating holiday ng UN.

 

Binanggit sa resolusyon ang kahalagahan ng Spring Festival na ipinagdiriwang sa maraming kasaping bansa ng UN, at iminungkahi nito sa mga organo ng UN sa punong himpilan at mga iba pang lugar na hindi idaos ang mga pulong sa araw ng Spring Festival.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Dai Bing, Pangalawang Permanenteng Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang Spring Festival ay isang tradisyonal na kapistahan sa Tsina at itinatampok nito ang pagtitipun-tipon ng pamilya at mabuting hangarin para sa darating na taon, ay hindi lamang nagtataglay ng mga ideya ng sibilisasyong Tsino para sa kapayapaan at pagkakaisa, kundi nagpapakita rin ng komong kahalagahan ng sangkatauhan sa maharmonyang pamilya, inklusibong lipunan, at mabuting relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan.

 

Dagdag niya, ang pagiging floating holiday ng UN ng Spring Festival ay nakasaad sa Global Civilization Initiative na iniharap ng Tsina at pagtataguyod ng bansa sa dibersidad ng iba’t ibang sibilisasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos