CMG, inilabas ang logo at tema ng 2024 Spring Festival Gala

2023-12-02 17:09:54  CMG
Share with:

 

Inilabas ngayong araw, Disyembre 2, 2023, ng China Media Group (CMG) ang logo at tema ng 2024 Spring Festival Gala.

 

Ang susunod na lunar year ng Tsina ay Taon ng Dragon. Dahil dito, ginawa ang logo batay sa isang titik na Tsino noong sinaunang panahon, na nangangahulugan ng “paglipad pataas ng dragon.” Samantala, ang tema ay “lumilipad na dragon, at masiglang bansa.” Ipinakikita ng mga ito ang mabuting hangarin para sa mga mamamayang Tsino at bansang Tsina sa bagong taon.

 

Ang Spring Festival Gala ay programa ng CMG bilang pagdiriwang sa Spring Festival o Bagong Taong Tsino. Isasahimpapawid ang 2024 Spring Festival Gala sa Spring Festival Eve, na Pebrero 9, 2024.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos