32 katao, patay sa lindol sa Qinghai

2023-12-25 17:59:31  CMG
Share with:

Inihayag, Disyembre 25, 2023, ng awtoridad ng lalawigang Qinghai, gawing hilagangkanluran ng Tsina, na umabot sa 32 katao ang nasasawi at 2 iba pa ang nawawala matapos manasa sa lugar noong Disyembre 18 ang lindol na may lakas na 6.2 sa Richter Scale.

Anito pa, patuloy ang operasyon ng paghahanap at pagliligtas.

Sa kabilang dako, nagbalik-klase na ngayong araw, Disyembre 25 ang mga elementarya at mataas na paaralan sa Jishishan County, sa lalawigan ng Gansu, isang linggo matapos ang pagyanig.

Matatandaang 117 katao sa Gansu ang nasawi dahil sa lindol.

 

Salin: Sarah

Pulido:Rhio