Puspusang paghahanap, pagliligtas at pagbibigay-matutuluyan sa mga nilindol na purok, hiniling ni Xi Jinping

2023-12-19 15:28:49  CMG
Share with:

Niyanig Huwebes ng gabi, Disyembre 18, 2023 ang Jishishan County, lalawigang Gansu sa hilagang kanluran ng Tsina ng magnitude-6.2 na lindol.

 

Hanggang sa kasalukuyan, 100 katao sa lalawigang Gansu at 11 katao sa lalawigang Qinghai ang nasawi sa lindol, at nasira ang bahagi ng mga imprastruktura na may kinalaman sa tubig, kuryente, transportasyon at telekomunikasyon.

 

Pagkaganap ng lindol, hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng bansa na puspusang isagawa ang paghahanap at pagliligtas, agarang gamutin ang mga nasugatan, at pigilan ang secondary disaster.

 

Ipinag-utos din niyang organisahin sa lalong madaling panahon ang alokasyon ng mga suplay ng pagliligtas at saklolo, pangkagipitang kumpunihin ang mga nasirang imprastruktura ng kuryente, telekomunikasyon, transportasyon at pagpapainit.

 


Samantala, hiniling naman ni Premyer Li Qiang ng bansa na buong lakas na organisahin ang relief works, hanapin ang mga nakulong, at magamot ang mga nasugatan.

 

Ipinadala na ng Konseho ng Estado ng Tsina ang working group sa nilindol na purok, para bigyang-patnubay ang gawain ng pagliligtas at pagbibigay-matutuluyan.

 

Sa kasalukuyan, pangkagipitan at maayos na sumusulong ang iba’t ibang relief works.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil