MOFA: Konsepto ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, nagkakaloob ng pundamental na kalutasan sa mga pandaigdigang problema

2023-12-26 16:22:00  CMG
Share with:

Minarkahan ng taong ito ang ika-10 anibersaryo ng panukala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 25, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang konseptong ito ay tumutugon sa komong adhikain ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa para sa kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon at ipinagkakaloob nito ang pangunahing landas ng paglutas ng mga pandaigdigang problema.

 


Aniya, sinabi sa konspeto na ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ay dapat palitan ang salungatan at alitan ng mapayapang pag-unlad, palitan ang ganap na seguridad ng pangkaraniwang seguridad, palitan ang zero-sum game ng mutuwal na benepisyo at win-win na resulta, iwasan ang mga alitan ng mga sibilisasyon na may pagpapalitang kultural, at pasulungin ang berdeng pag-unlad para mapangalagaan ang buong daigdig.

 

Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa komunidad ng daigdig para itatag ang mundo ng may pangmatagalang kapayapaan, unibersal na seguridad, karaniwang kasaganaan, pagiging bukas, inklusibo, malinis at maganda, at likhain ang mas magandang kinabukasan para sa buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil