Tsina, handang makipagtulungan sa komunidad ng daigdig upang itatag ang mapayapa at masaganang dagat – Wang Yi

2023-11-08 16:02:33  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa Ika-4 na Symposium on Maritime Cooperation and Ocean Governance Miyerkules, Nobyembre 8, 2023, ipinagdiinan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na igigiit ng bansa ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng dagat, at magkakapit-bisig na itatatag, kasama ng komunidad ng daigdig ang mapayapa, masagana at magandang dagat na binabahaginan ng lahat ng mga bansa.

 


Para rito, iminungkahi niyang igiit ang diyalogo’t negosasyon, upang ipagtanggol ang kapayapaan at katahimikan ng dagat; igiit ang katarungan, at i-optimisa ang sistema ng pangangasiwa sa dagat; bigyang-priyoridad ang konserbasyong ekolohikal, at manatiling malinis at maganda ang dagat; at igiit ang kooperasyong may win-win na resulta para sa kasaganaan ng dagat.

 

Sa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod ng Huayang Institute for Research on Maritime Cooperation and Ocean Governance, National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, at China Oceanic Development Foundation, kasali rito ang mahigit 300 kinatawan mula sa iba’t ibang sirkulo ng mahigit 30 bansa.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil