MOFA: nakahanda ang Tsina na ipagdiwang ang Spring Festival kasama ng buong mundo

2023-12-26 16:23:56  CMG
Share with:

Noong Disyembre 22, 2023, ang ika-78 United Nations (UN) General Assembly ay nagpasa ng isang resolusyon upang ilista ang Lunar New Year bilang floating holiday ng UN.

 

Kaungay nito, ipinahayag Disyembre 25, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Lunar New Year o Spring Festival ay kumakatawan sa pagpapala at init ng tagsibol at naglalaman din ng espirituwal na ubod ng harmonya at kapayapaan sa kulturang Tsino.

 


Aniya, nakahanada ang Tsina na ipagdiwang kasama ng buong mundo ang Spring Festival at umaasang magkakasundo ang magkakaibang sibilisasyon.

Ayon sa pagtaya, itinuturing ng halos 20 bansa ang Spring Festival bilang pambansang pista opisyal, at halos 200 bansa at rehiyon ang may tradisyonal na aktibidad at naging pandaigdigang kaganapang kultural na nagdudulot ng kaligayaan para sa mga mamamayan ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil