CMG Komentaryo: Tripleng identidad ng Tsina sa ligalig na arenang pandaigdig

2023-12-29 16:07:08  CMG
Share with:

“Ang Tsina ay nagsilbing responsableng malaking bansa na may impluwensiyang pandaigdig, lakas-tagapagpatnubay sa inobasyon, at moral appeal.”

 

Ganito ang konklusyong ginawa sa Komperensyang Sentral hinggil sa Gawaing May Kinalaman sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina mula Disyembre 27 hanggang 28, 2023.

 

Sa pananaw ni Josef Gregory Mahoney, Assistant Editor ng Journal of Chinese Political Science ng Amerika, nitong nakalipas na ilang taon, naging mas bukas, proaktibo, at inklusibo ang patakarang diplomatiko ng Tsina.

 

Tagapagtatag ng kapayapaan ng daigdig

 

Pagsariwa sa kalagayang pandaigdig sa 2023, walang duda, ang digmaan ay isa sa mga masusing salita.

 

Ayon sa datos na inilabas ng International Institute for Strategic Studies ng Britanya sa buwang ito, di-kukulangin sa 183 sagupaang panrehiyon ang naganap sa buong mundo sa kasalukuyang taon, at pinakamataas ito nitong nakalipas na 30 taon.

 

Sa harap ng mga kaligaligan at krisis, abalang-abala ang Tsina para sa medyasyon at pagtigil-putukan.

 


Halimbawa, sa ilalim ng pagpapasulong ng panig Tsino, sinang-ayunan ng Saudi Arabia at Iran ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko, at bunga nito’y agos ng rekonsilyasyon sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, napapatunayan ng Tsina na sa mula’t mula pa’y buong tatag itong pumapanig sa kapayapaan, diyalogo, at tamang agos ng kasaysayan.

 

Tagapag-ambag ng kaunlaran ng mundo

 

Sa taong 2023, matumal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa harap ng ganitong kapaligirang panlabas, tuluy-tuloy na bumabangon at bumubuti ang kabuhayang Tsino.

 


Noong unang 3 kuwarter ng taong ito, lumago ng 5.2% ang gross domestic product (GDP) ng Tsina, at nananatili pa rin itong pinakamalaking makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Tinaya ng maraming organong pandaigdig na aabot sa 1/3 ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng buong mundo.

 

Tagapagtanggol sa kaayusang pandaigdig

 

Nasa makabagong ligalig na panahon ng transpormasyon ang daigdig.

 

Sa taong 2023, sa pamamagitan ng sariling aksyon, ipinakikita ng Tsina ang pananagutan ng malaking bansa, sa magkakaibang arenang pandaigdig na gaya ng BRICS, Shanghai Cooperation Organization (SCO), ika-28 Sesyon ng Conference of the Parties (COP28) ng United Nations Framework Convention on Climate Change at iba pa.

 

Sa taong 2024, patuloy na magpupunyagi ang Tsina, kasama ng buong daigdig, tungo sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil