Mula Disyembre 27 hanggang 28, 2023, idinaos sa Beijing ang Komperensyang Sentral hinggil sa Gawaing May Kinalaman sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang importanteng talumpati sa pulong, sistematikong nilagom ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang mga historikal na tagumpay at mahalagang karanasan ng major-country diplomacy na may katangiang Tsino sa makabagong panahon, malalimang inilahad ang kapaligirang pandaigdig at historikal na misyon ng usaping panlabas ng bansa sa makabagong biyahe, at ginawa ang komprehensibong plano para sa usaping panlabas sa kasalukuyan at hinaharap.
Diin sa pulong, nitong nakalipas na isang dekada ng makabagong panahon, napanaigan ng usaping panlabas ng Tsina ang iba’t ibang kahirapan at hamon, at nilikha ang bagong kayarian ng major-country diplomacy na may katangiang Tsino.
Ang Tsina ay nagsilbing responsableng malaking bansa na may impluwensiyang pandaigdig, lakas-tagapagpatnubay sa inobasyon, at moral appeal, anang pulong.
Tinukoy sa pulong na ang pagtanaw sa hinaharap, haharapin ng bagong estratehikong pagkakataon ang kaunlaran ng Tsina. Sa bagong biyahe, papasok sa bagong yugto ang major-country diplomacy na may katangiang Tsino, kung saan mas marami ang ipapatupad.
Dapat buong tatag na ipagtanggol ang kapakanan ng soberanya, seguridad at kaunlaran ng bansa, buuin ang bagong kayarian ng relasyon sa pagitan ng Tsina at daigdig, ipagkaloob ang mas paborableng kapaligirang pandaigdig at mas matibay na estratehikong suporta para sa pagpapasulong sa pagtatatag ng malakas na bansa at pag-ahon ng nasyong Tsino, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.
Kaugnay ng isang serye ng pangunahing isyu at hamong kinakaharap ng daigdig, iminungkahi ng pulong ang pantay at maayos na multi-polar world at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan.
Dapat buong tatag na tutulan ang kontra-globalisasyon at pag-abuso ng ideya ng seguridad; pigilan ang iba’t ibang porma ng unilateralismo at proteksyonismo; buong tatag na pasulungin ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan; resolbahin ang mga problemang estruktural na humahadlang sa malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig; at pasulungin ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan, tungo sa mas bukas, inklusibo, at balanseng direksyon na makakapaghatid ng benepisyo sa lahat, diin ng pulong.
Salin: Vera
Pulido: Ramil