Higit 41 milyong biyahe ng pasahero, inaasahan ng Tsina sa unang araw ng 2024

2023-12-31 16:06:05  CMG
Share with:

Inihayag, Disyembre 31, 2023 ng Ministri ng Transportasyon ng Tsina, na aabot sa higit 41.7 milyong biyahe ng pasahero ang tatanggapin ng bansa sa Enero 1, 2024 – mas mataas ng 73.3 porsyento kumpara sa parehong panahon ng 2023.  

Anito pa, tinatayang aabot sa 15.8 milyon ang tatangkilik sa pambansang sistema ng riles, mga 23.49 milyon ang maglalakbay sa pamamagitan ng kalsada, 1.88 milyon ang maglalakbay sa pamamagitan ng eroplano, at karagdagang 600,000 naman sa pamamagitan ng rutang pandagat.

Samantala, sinabi naman ng Ministri ng Pampublikong Seguridad na hanggang noong nagdaang Sabado, nasa maayos na kalagayan ng daloy ng trapiko sa mga kalsada ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio