Mensaheng pambagong taon sa 2024, inihayag ni Xi Jinping

2023-12-31 20:56:42  CMG
Share with:


Inihayag ngayong araw, Disyembre 31, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang mensaheng pambagong taon para sa 2024.

 


Dito’y nilagom ni Xi ang mga natamong tagumpay ng Tsina sa 2023, at mga ginawang ambag ng bansa para sa mga suliranin ng daigdig.

 

Ipinahayag niya ang pagbati't pasasalamat sa mga taong nagbuhos ng pagsisikap para tupdin ang sariling mga pangarap, at likhain ang mas magandang mundo.

 


Hinangad din ni Xi ang kasaganaan't kaunlaran ng iba’t-ibang bansa, kapayapaan't katahimikan ng buong mundo, at mapayapa, maligaya't masaganang kinabukasan ng lahat ng tao sa daigdig.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan