Xi Jinping, nagbigay ng mataas na pagtasa sa mga gawain ng CPPCC sa 2023

2023-12-29 20:10:37  CMG
Share with:

 

Dumalo at nagtalumpati Disyembre 29, 2023, sa Beijing, si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa pagtitipun-tipong inorganisa ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), kataas-taasang organong tagapayong pampulitika ng bansa, bilang panalubong sa bagong taon.

 

Ipinahayag ni Xi ang bating pambagong taon sa mga miyembro ng mga partidong di-CPC, mga miyembro ng All-China Federation of Industry and Commerce, mga personaheng di-kasapi ng mga partido, mga mamamayan ng iba’t ibang grupong etniko, mga kababayan sa Hong Kong, Macao, at Taiwan, mga Tsino sa ibayong dagat, at mga kaibigang dayuhang sumusuporta sa modernisasyong Tsino.

 

Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang mga gawain ng mga tagapayong pampulitika sa taong ito. Umaasa aniya siyang patuloy nilang ihaharap sa bagong taon ang mga palagay at mungkahi para sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, at patuloy na pag-iibayuhin ang pagsisikap para sa mga gawain ng CPPCC.

 

Lumahok din sa pagtitipun-tipon ang iba pang mga lider ng estado at partido.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos