Ika-5 pambansang ekonomikong sensus ng Tsina, sinimulan Enero 1

2024-01-02 16:17:10  CMG
Share with:

Pormal na sinimulan, Enero 1, 2024 ang ika-5 pambansang ekonomikong sensus ng Tsina.

 

Halos 2.1 milyong enumerator ang mangongolekta at magrerehistro ng ekonomikong datos sa 1.16 milyong census area, sa darating na halos 4 na buwan.

 

Isinalaysay ni Kang Yi, Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, na komprehensibong sisiyasatin sa kasalukuyang sensus ang development status, layout at episyensiya ng secondary at tertiary industries ng bansa.

 

Aniya, mataimtim na pabubutihin ng iba’t ibang departamento at rehiyon ang mga gawaing gaya ng pangongolekta at pagsusuri sa mga datos, upang kasiya-siyang matupad ang kasalukuyang sensus.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil