Nasawi sa lindol sa Noto Peninsula ng Hapon, umakyat na sa 57

2024-01-03 16:54:44  CMG
Share with:

Ayon sa datos na ipinalabas ng lokal na pamahalaan ng Ishikawa Prefecture ng Hapon, hanggang 21:00, Enero 2, 2024, (local time), umakyat na sa 57 katao ang nasawi dahil sa lindol sa Noto Peninsula. 


Ayon pa sa ulat ng kinauukulang awtoridad ng Hapon, higit 100 katao ang nasugatan at kasalukuyang isinasagawa ngayon ng 1,000 sundalo ng Japan Self-Defense Force (JSDF) ang rescue work sa mga nilindol na purok. 

Bukod dito, ayon sa pagtaya ng Japan Meteorological Agency magsisimulang ulanin ang Ishikawa Prefecture sa gabi ng Enero 2, at ang mga lokal na residente ay dapat maging alerto sa mga mudslide. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil

May Kinalamang Babasahin