MOFA: maganda ang kinabukasan ng kooperasyon ng BRICS

2024-01-03 16:52:54  CMG
Share with:

Simula noong unang araw ng Enero ng 2024, ang Saudi Arabia, Ehipto, United Arab Emirates (UAE), Iran at Ethiopia ay naging opisyal na mga miyembro ng BRICS. Bunga nito, ang bilang ng mga miyembro ng oraganisasyong ito ay naging 10 mula 5 na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina, Timog Africa.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Enero 2, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay lubos na nagpapakitang ang kooperasyon ng BRICS ay mayroong magandang kinabukasan.

 


Sinabi ni Wang na lalo pang lumalakas ang pagkakaisa ng mekanismo ng kooperasyon ng BRICS at ang impluwensiya nito ay patuloy na lumalago, at naging isang positibo, matatag at magandang puwersa para sa mga internasyonal na gawain.

 

Sinabi pa niya na ipinasya ng mga bansang BRICS ang desisyon na palawakin ang pagiging miyembro sa kahilingan ng mga kaugnay na bansa, at nakakatugon ito sa komong adhikain ng mga umuusbong na merkado at mga umuunlad na bansa, at umaayon sa histrorikal na kasaysayang kalakaran ng multipolarity ng mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil