Sa pahayag, Sabado, Agosto 26, 2023 ng Parliamento ng Timog Aprika, sinabi nitong hanga ang bansa sa mga natamong bunga ng “historikal” na BRICS Summit, at ang mga bungang ito ay katibayan ng pamumunong may pangmalayuang pananaw at matatag na pangako ng mga bansa ng BRICS.
Sa panahon ng 3-araw na summit, malalimang tinalakay ng mga lider ng limang bansang BRICS (Brazil, Rusya, India, Tsina, at Timog Aprika) ang pagpapalakas ng kooperasyon at koordinasyon, at inanunsyo ang pagpapalawak ng pangangalap ng mga miyembro, sa pamamagitan ng pagtanggap sa Saudi Arabia, Iran, Ethiopia, Ehipto, Argentina at United Arab Emirates.
Anang pahayag, nagpupunyagi ang summit upang maresolba ang ekonomikong di-pagkakapantay-pantay, pagpapasulong sa paglago at paghahanap ng inobatibong solusyong pinansyal.
Ito ay hindi lamang makakapagpalakas ng puwersa ng mga bansang BRICS, kundi magsisilbi ring ugat ng progreso at katatagan ng Aprika, maging ng buong mundo, dagdag ng pahayag.
Samantala, positibong pagtasa ang ibinigay rin ng pahayag sa kolektibong desisyon ng summit sa pagpapalawak ng pamilya ng BRICS, sa pamamagitan ng pagsalubong sa mga bagong kasaping bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio