Terorismo sa lahat ng porma, tinututulan ng Tsina

2024-01-04 18:06:11  CMG
Share with:

Kaugnay ng dalawang pagsabog, Enero 3, 2024, sa lunsod Kerman sa dakong timogsilangan ng Iran, ipinahayag ngayong araw, Enero 4, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagkagulat.

 

Nakikidalamhati aniya ang Tsina sa mga biktima at nakikiramay sa kanilang mga kapamilya.

 

Dagdag ni Wang, tinututulan ng Tsina ang lahat ng porma ng terorismo, mahigpit na kinokondena ang naturang teroristikong pag-atake, at matatag na sinusuportahan ang pagsisikap ng Iran upang pangalagaan ang seguridad ng bansa.

 

Ayon sa pinakahuling balita ng National Iranian Radio and Television (NIRT), 84 na ang naitalang nasawi sa pagsabog, samantalang 284 na iba pa ang sugatan.

 

Walang Tsinong nasugatan o nadamay sa nasabing insidente.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

 

 

May Kinalamang Babasahin