Tsina, nagsisikap tungo sa mas magandang kinabukasan – Wang Yi

2024-01-10 16:27:35  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Enero 9, 2024, sa Seminar ng Internasyonal na Situwasyon at Relasyong Panlabas ng Tsina noong 2023, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng bansa, na sa pamumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kung saan ang nukleo ay si Xi Jinping, nilikha ng diplomasyang Tsino ang mabuting kapaligiran para sa pagtatatag ng malakas na bansa at pagbangon ng Nasyong Tsino.

 


Ibinigay rin aniya nito ang bagong ambag sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at pagpapasulong ng komong pag-unlad noong 2023.

 

Sa taong 2024, kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig, nakahandang magsikap ang Tsina, para isulong ang daigdig tungo sa mas mabuti at mas maliwanag na kinabukasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio