Wang Yi: Kapayapaan, kooperasyon, at win-win, mahalaga para sa relasyong Sino-Amerikano

2024-01-06 17:52:00  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Enero 5, 2024, sa Beijing, ang resepsyon bilang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.

 

Sa kanyang talumpati sa resepsyon, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ipinadala na nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joe Biden ng Amerika ang mensaheng pambati sa isa’t isa para sa okasyong ito at kapwa nila binigyang-diin na dapat patatagin at paunlarain ang relasyong Sino-Amerikano para magdulot ng mga benepisyo sa dalawang bansa mismo at buong daigdig.

 

Tinukoy ni Wang na ang kapayapaan, kooperasyon, at win-win ay mahalaga para sa relasyong Sino-Amerikano.

 

Ipinahayag din niya ang pag-asang ituturing ng dalawang panig ang pagtatagpo nina Pangulong Xi at Pangulong Biden sa San Francisco bilang bagong simula; igigiit ang paggalang sa isa’t isa, mapayapang pakikipamuhayan, at win-win na kooperasyon; at tumpak na ipapatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, para buuin ang matatag, malusog, at sustenableng relasyong Sino-Amerikano.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos