Premyer Tsino, dadalo sa taunang pulong ng WEF at dadalaw sa Switzerland at Ireland

2024-01-12 10:54:48  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Enero 11, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Enero 14 hanggang 17, dadalo si Premyer Li Qiang ng bansa sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF), at dadalaw sa Switzerland at Ireland.

 

Ang biyaheng ito ay sa paanyaya nina Klaus Schwab, tagapagtatag at Executive Chairman ng WEF, Viola Amherd, Pangulo ng Swiss Confederation, at Leo Varadkar, Punong Ministro ng Ireland, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil