Makasaysayang Katedral ni Santa Sophia sa Harbin, umaakit sa mga bisita

2024-01-12 10:39:18  CMG
Share with:

Kasabay ng pagbubukas ng International Ice and Snow Festival sa lunsod Harbin, lalawigang Heilongjiang, gawing hilagangsilangan ng Tsina, maraming turista mula apat na sulok ng mundo ang nahahalina rin sa iba pang lugar-panturista ng lunsod na gaya ng Katedral ni Santa Sophia.

 


Ang Katedral ni Santa Sophia ay dating Rusong Ortodoksiyang simbahan na itinayo noong 1907 sa estilong Byzantine. Noong 1997 naman, ginawang Harbin Architectural Art Gallery ang nasabing katedral, at magpahanggang ngayon, patuloy nitong ipinapakita ang multikultural na pag-unlad sa aspektong arkitektural ng Harbin sa loob ng mahabang panahon.

 


Salin: Xu Nuo

 

Pulido: Rhio