Nakipagtagpo Enero 11, 2024 sa Beijing, si Premiyer Li Qiang ng Tsina kay Pangulong Mohamed Muizzu ng Maldives na nagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Tsina.
Ipinahayag ni Li na magkatuwang na inihayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Muizzu ang pagpapataas ng relasyong Sino-Maldivian tungo sa komprehensibong estratehikong kooperatibong pagtutulungan na magbubukas ng panibagong kabanata sa relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Maldives, para sundin ang mahalagang estratehikong pamumunuan ng mga lider ng dalawang bansa, ipagpatuloy sa hinaharap ang tradisyunal na pagkakaibigan, palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal sa isa’t isa, pahigpitin ang pagkakaibigang pagpapalitan sa iba’t ibang antas, palakasin ang kooperasyong may pakinabang sa iba’t ibang larangan, at patuloy na pagyamanin ang komprehensibong estratihikong kooperatibong pakikipagtulungan ng konotasyon ng Sino-Maldives.
Tinukoy ni Li na nakahanda ang Tsina na lalo pang ihanay ang mga estratehiya ng pag-unlad sa Maldives at patuloy na palawakin ang praktikal na pakikipagtulungan sa pagitan ng dalawang panig sa ilalim ng gabay ng de-kalidad na magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road".
Samantala, ipinahayag ni Muizzu na ang pagdalaw niya sa Tsina ay ang kanyang kauna-unahang dalaw-pang-estado sapul nang manungkulan siya bilang Pangulo ng Maldives.
Aniya, buong tatag na nananangan ang Maldives sa patakarang isang-Tsina at buong tatag na sinusuportahan ang Belt and Road Initiative, Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative na iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Pinasasalamatan ng Maldives ang Tsina sa pangmatagalang pagsuporta nito sa pang-ekonomiyang at panlipunang pag-unlad ng Maldives, at nakahanda ang Maldives na palalimin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba’t ibang larangan, palakasin ang pagpapalitang tao-sa-tao at kultura, para maisakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win na mga resulta at komong pag-unlad.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil