Kampanya ng “kaaya-ayang Tsina,” komprehensibong pasusulungin

2024-01-12 16:03:28  CMG
Share with:

Magkasamang inisyu Huwebes, Enero 11, 2024 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang guidelines para komprehensibong pasulungin ang kampanya ng “kaaya-ayang Tsina.”

 

Anang guidelines, ito ang mahalagang target at nilalaman ng pagtatatag ng isang malakas na bansa at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Ayon sa guidelines, hanggang 2027, makikita ng bansa ang tuluy-tuloy na pagbabawas ng kabuuang pagbuga ng mga pangunahing pollutant, at pagbuti ng kalidad ng kapaligirang ekolohikal.

 

Hanggang 2035 naman, malawakang bubuuin ang berdeng pamamaraan ng produksyon at pamumuhay; darating sa peak value ang emisyon ng karbon at matatag itong bababa; at magkakaroon ng pundamental na pagbuti ang kapaligirang ekolohikal.

 

Pagtanaw sa kalagitnaan ng kasalukuyang siglo, komprehensibong patataasin ang sibilisasyong ekolohikal ng Tsina; ganap na bubuuin ang estilo ng berdeng pag-unlad at pamumuhay; isasakatuparan ang malalimang dekarbonisasyon sa mga pangunahing larangan; magiging malusog at kaaya-aya ang kapaligirang ekolohikal; komprehensibong isasakatuparan ang modernisasyon ng sistema at kakayahan sa pangangasiwa sa kapaligirang ekolohikal; at bubuuin sa lahat ng mga aspekto ang isang kaaya-ayang Tsina, anang guidelines.

 

Iniharap ng guidelins na hanggang 2027, kailangang umabot sa 45% ang proporsyon ng sasakyang gamit ang bagong enerhiya sa kabuuang bilang ng mga bagong yaring sasakyang de-motor.

 

Target din ng guidelines na palalimin ang pangangasiwa sa polusyon, pabilisin ang pagtatatag ng mga zero-waste city, palalimin ang ganap na pagbabawal sa pagpasok ng mga inangkat na basura, at mahigpit na pigilan ang lahat ng mga porma ng smuggling at pag-aangkat ng solid waste.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil