Ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) sa United Nations (UN).
Nitong nakalipas na 50 taon, walang-sawang pinangangalagaan ng PRC ang kapayapaan ng daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at aktibong nakikisangkot sa aksyong pamayapa ng UN.
Ang PRC ay ika-2 pinakamalaking bansang nagbabayad ng membership dues at peacekeeping assessment ng UN, at pinakamalaking pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) na nagpapadala ng tropang pamayapa.
Noong Setyembre 15, 2021, ipininid sa Zhumadian, Lalawigang Henan ng Tsina ang "Shared Destiny-2021" International Peacekeeping Drill. Ito ay isa sa mga mahalagang aktibidad bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagpapanumbalik ng lehitimong luklukan ng PRC sa UN.
Noong Pebrero ng 2021, ginanap ang pagsasanay ng Ika-11 Pangkat ng Peacekeeping Engineering Contingent ng Tsina sa South Sudan.
Noong Mayo 20, 2021, ginawaran ng “Peace Medals of Honor” ng UN ang Ika-16 na Pangkat ng Peacekeeping Engineering Company ng Tsina sa Sudan.
Sa isang pagsasanay na ini-organisa ng UN, ibinahagi ni Xing Kefei, Puno ng Ika-24 na Pangkat ng Peacekeeping Medical Team ng Tsina sa Democratic Republic of Congo, ang karanasan sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Nitong nakalipas na 30 taon, sunud-sunod na sumali ang mga tropa at kapulisan ng Tsina sa halos 30 misyong pamayapa ng UN, at mahigit 50,000 person-time ang kabuuang bilang ng mga ipinadalang tauhang pamayapa.
Samantala, 16 na opisyal at sundalong Tsino ang nagsakripisyo ng sariling buhay sa mga misyong pamayapa ng UN.
Salin: Vera
Pulido: Rhio