Paglala ng tensyon sa Red Sea, ikinababahala ng ministrong panlabas ng Tsina

2024-01-15 16:48:53  CMG
Share with:

Sa preskon, Enero 14, 2024, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang malubhang pagkabahala sa paglala ng tensyon sa Red Sea.

 

Aniya, ang Red Sea ay mahalagang koridor ng pandaigdigang kalakalan ng paninda at enerhiya, kaya’t nananawagan ang Tsina sa agarang pagtitigil ng pag-atake sa mga sibilyang bapor sa nasabing dagat, para mapanatili ang katatagan ng pandaigdigang kadena ng suplay, at internasyonal na kalakalan.

 

Dapat iwasan ng iba’t-ibang panig ang paglala ng tensyon sa Red Sea, ani Wang.       .

 

Binigyan-diin pa niyang ang tensyon sa Red Sea ay epekto ng sagupaan sa Gaza, kaya ang priyoridad ay pagtitigil ng labanan sa Gaza.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio