Ministrong Panlabas ng Tsina, dadalaw sa Ehipto, Togo, Tunisia, Cote d'Ivoire, Brazil at Jamaica

2024-01-12 10:59:28  CMG
Share with:

Inanunsyo Huwebes, Enero 11, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Enero 13 hanggang 18, dadalaw sa Ehipto, Tunisia, Republika ng Togo, at Cote d'Ivoire si Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa.

 

Nananatiling unang destinasyon ng pagdalaw ang Aprika ng ministrong panlabas ng Tsina sa bagong taon nitong nakalipas na 34 taong singkad.

 

Pagkatapos nito, bibisita si Wang sa Brazil at Jamaica mula Enero 18 hanggang 22.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil