Dapat magsikap para sa komprehensibong paglutas sa isyu ng Palestina – Wang Yi

2024-01-15 16:45:47  CMG
Share with:

Sa preskon, Enero 14, 2024, sa Cairo, Ehipto, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang paglala ng sagupaan ng Palestina at Israel ay nagdudulot ng malubhang makataong krisis.

 

Aniya, palagiang tumatayo ang Tsina sa panig ng katarungan at pagkakapantay-pantay, kaya kasama ng mga bansang Arabe't Islamiko nagsisikap ang bansa para matigil ang putukan at pasulungin ang komprehensibo at makatuwirang paglutas ng isyu ng Palestina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio