Ipinadala, Enero 16, 2024, ni Li Qiang, Premyer ng Tsina, ang mensaheng pambati kay Gabriel Attal, para sa kanyang panunungkulan bilang Punong Ministro ng Pransya.
Ipinahayag ni Li na ang Tsina at Pransya ay kapwa pirmihang miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) at mga pangunahing bansa na mayroong tradisyon sa pagsasarili. Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng estratehikong patnubay ng lider ng dalawang bansa, matatag na umuunlad ang relasyong Sino-Pranses.
Minamarkahan ng taong ito ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, at ang relasyon ng dalawang bansa ay nagsimula sa isang panibagong paglalakbay.
Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya, para dulutin ang bagong kasiglahan para sa pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, at ibigay ang mga bagong ambag para sa pagbuo ng isang matatag, may mutuwal na kapakinabangan, pangunguna at progresibong komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Pransya.
Salin: Sarah
Pulido:Ramil