Pangulo ng Tsina at Pransya, nag-usap sa telepono

2023-11-21 16:52:40  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon, Nobyembre 20, 2023, kay Emmanuel Macron, Pangulo ng Pransya, binigyan-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na masayang makitang ang mas maraming produktong Pranses ay pumapasok sa merkadong Tsino.

 

Malugod na tinatanggap ng Tsina ang mas maraming kompanyang Pranses na mamumuhunan sa bansa. Umaasa ang Tsina na ipagkakaloob ng Pransya ang pantay at walang diskriminasyong kapaligirang pangnegosyo para sa mga kompanyang Tsino na namumuhunan sa Pransya.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungan sa Pransya sa mga multilateral na institusyong tulad ng United Nations (UN).

 

Umaasa ang Tsina na gaganapin ng Pransya ang konstruktibong papel para pasulungin ang positibong pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pransya, para magkasamang pasulungin ang tagumpay ng United Nations Climate Change Conference sa Dubai, ani Xi.

 

Samantala, ipinahayag ni Macron na sa ilalim ng kasalukuyang kalagayang pandaigdig, may napakahalagang katuturan para sa Tsina at Pransya na panatilihin ang estratehikong komunikasyon.

 

Umaasa aniya ang Pransya na mapapalakas ang magkikipag-ugnayan sa Tsina sa United Nations Climate Change Conference sa Dubai upang tugunan ang mga pandaigdigang isyung tulad ng pagbabago ng klima, at proteksyon sa biodiversity.

 

Nagpalitan din ng kuru-kueo ang dalawang lider hinggil sa alitan ng Palestina at Israel.

 

Ipinalalagay nila na ang kasalukuyang priyoridad ay iwasan ang ibayong paglala ng situwasyon sa pagitan ng Palestina at Israel, partikular na ng makataong krisis. Ang “Two-State Solution” ay pundamental na solusyon para sa alitan ng Palestina at Israel, anila pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil