Kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, pinapalalim ng Tsina’t Ireland

2024-01-18 16:40:54  CMG
Share with:

Sa pag-uusap, Enero 17, 2024, sa Dublin, Ireland nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Leo Varadkar ng Ireland, tinukoy ng panig Tsino, na kailangang igiit ng dalawang bansa ang mutuwal na kapakinabangan, palawakin ang kalakalan, palakasin ang kooperasyon sa berdeng pag-unlad, pinansya at iba pang larangan, at pabutihin ang mga kooperasyon sa inobasyon na tulad ng didyital na ekonomiya at iba pa.

 

(photo from Xinhua)


Ani Li, ipagkakaloob ng Tsina ang unilateral visa-free treatment sa Ireland, para ipagkaloob ang ginhawa sa pagpapalitan ng mga tauhan.

 

Umaasa rin aniya ang Tsina na gaganap ng mas malaking papel ang Ireland sa pagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.

 

Pinapurihan naman ni Varadkar ang kahanga-hangang bungang natamo ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Aniya, suportado ng Ireland ang prinsipyong isang-Tsina, at umaasa siyang maisasakatuparan ang mapayapang unipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sa lalong madaling panahon.

 

Kasama ng Tsina, nakahandang palawakin ng Ireland ang pamumuhunan sa isa’t-isa, palakasin ang kooperasyon sa agrikultura, inobasyon, berdeng pag-unlad, at iba pang larangan, at palalimin ang pagpapalitan sa edukasyon at kultura.

 

Aktibo aniyang isinasa-alang-alang ng Ireland ang pagkakaloob ng mas maraming ginhawa sa pagbisita ng mga Tsino sa bansa, at malugod aniyang tatanggapin ng Ireland ang paglalagak ng puhunan ng mas maraming kompanyang Tsino.  

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio