Inilunsad Lunes, Enero 22, 2024 ng Amerika at Britanya ang mga makabagong pagsalakay sa mga target ng Houthi sa Yemen.
Ito ang ika-2 round ng magkasanib na pagsalakay ng nasabing dalawang bansa nitong nakalipas na 10 araw.
Sinabi ng Amerika at Britanya na ang mga pagsalakay ay naglalayong pigilan ang paglulunsad ng Houthi Group ng mga missile at drone attack sa mga bapor-komersyal sa linya ng paglalayag sa Red Sea.
Naganap ang mga bagong pagsalakay, ilang oras makaraang inanunsyo ng Houthis ang paglulunsad ng isang missile attack laban sa isang bapor-militar ng Amerika sa Gulpo ng Aden Lunes, pero pinabulaanan ng panig Amerikano ang naturang pagsalakay.
Determinado ang Houthi group sa pagpapatuloy ng pagtatarget sa mga bapor na may kinalaman sa Israel sa Red Sea, bago matapos ng Israel ang digmaan at blokeyo sa teritoryo ng Palestina sa Gaza.
Salin: Vera
Pulido: Ramil