Plano para sa namimilotong komprehensibong reporma ng Pudong New Area ng Shanghai, inilabas ng Tsina

2024-01-23 15:51:28  CMG
Share with:

Inilabas, Enero 22, 2024 ng General Office ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at General Office ng Konseho ng Estado ng Tsina ang isang plano para sa implementasyon ng namimilotong komprehensibong reporma ng Pudong New Area ng lunsod Shanghai, gawing silangan ng bansa.

 

Nilalayon ng planong ito na may 2023-2027 timeframe, na suportahan ang reporma at pagbubukas sa labas ng Pudong New Area sa mataas na lebel, gayundin ang mga pagsisikip para sa pagtatayo ng Pudong bilang nangungunang lugar para sa sosyalistang modernisasyon.

 

Alinsunod sa nasabing plano, ang Pudong New Area ay magkakaloob ng mas malaking awtonomiya sa reporma sa mga “key areas” at “key links.”

 

Bibigyan ang Pudong New Area ng suporta para manguna sa pagpapabuti ng mga sistema at mekanismo sa lahat ng mga aspeto, pabilisin ang pagtatag ng sistema ng sosyalistang merkadong ekonomiya sa mataas na lebel, at pabutihin ang sistema ng pamamahala at kapabilidad, para ang New Area ay gaganap ng nangungunang papel sa mga pagsisikip ng bansa sa pagbuo ng isang modernong sosyalistang bansa sa lahat ng mga aspeto at pagpapasulong ng modernisasyong Tsino.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil