Mitikong "loong" ng Tsina, saan nagmula

2024-01-23 18:45:16  CMG
Share with:

Dinuradong tansong loong na may pusod yari sa bakal, Dinastiyang Tang (618-907)


Ang “loong,” bilang isang mitikong pigura na kahawig ng dragon na kilala sa Kanluran, ay isang simbolo ng mga Tsino at minarkahan ng taong 2024 ang taon nito sa Chinese zodiac, na kilala rin bilang Taon ng Dragon.

 

Ipinagmamalaki ng mga Tsino ang loong mula pa noong sinaunang panahon, pinaniniwalaan na ang imortal na nilalang ay namamahala sa sistema ng tubig sa langit at lupa, at may napakalaking kapangyarihan. Naniniwala ang mga emperador noong sinaunang panahon na ang kanilang sarili ay reinkarnasyon ng loong god para ipakita ang kanilang pagiging lehitimong hari at mapanatili ang pitagan ng pangkalahatang populasyon. Mula noon, ang loong ay naging isang mahalagang simbolo sa kasaysayan ng Tsina. Ngunit alam mo ba ang pinagmulan nito?

 

Panahon ng Yangshao

 

Mayroong mahabang kasaysayan ang kulturang loong ng Tsina. Ang Kulturang Yangshao, isang sibilisasyong natuklasan sa gitnang Tsina na umabot ng 5,500 hanggang 7,000 taon na ang nakakaraan, ay panahon kung kailan nagsimulang lumitaw ang orihinal na mga disenyo ng loong, tulad ng ichthyosaurs, mga ahas na dragon, baboy na dragon, at buwaya na dragon. Ang paglitaw ng mga sinaunang hugis-habang kulturang reliko na may anyong loong ay malapit na naiuugnay sa pagsamba sa kalikasan.

 

Mababa ang panlipunang produktibidad noong panahong iyon. Umiral ang primitibong relihiyon at pinaniwalaan na “ang lahat ng bagay ay may animism.” Ang ilan sa mga halaman at hayop na naiuugnay sa maagang buhay ng sibilisasyon ay nagkaroon ng pananggalang para maging dahilan ng pagsamba sa kalikasan.

 

Ang Liaohe River Basin sa hilagang-silangang Tsina ay isa sa mga pinakaunang lugar ng pinagmulan ng kulturang jade ng Tsina. Ang orihinal na hugis ng jade pig loong ay pinagsama-samang isang ahas at baboy.


Jade pig loong, mga 5,000 hanggang 6,000 taong nakaraan


Panahon ng Longshan

 

Ang panahon ng Longshan, 4,000 hanggang 5,000 taon na ang nakaraan, ay isang mahalagang yugto sa pagbuo ng sibilisasyon ng Tsina. Sa panahong ito, naging mas madalas ang pagpapalitan ng kultura. Nagsimulang magtagpo ang natatanging mga disenyo ng dragon sa hilaga at timog, kaya lumitaw ang isang pagsasanib ng disenyo ng buwaya at ahas. Kinakatawan ng bagong disenyong ito ang pagiging mas espirituwal at mas malapit sa banal na loong.

 

Sa panahon ng Longshan, ang pangunahing disenyo ng loong ay mga ahas at buwaya, at mayroon ding mga katangian ng tigre, isda at iba pang mga hayop. Bilang isang simbolo ng maharlikang kapangyarihan, ang imahe ng loong ay patuloy na bumubuti.

 

Ang kultura ng Taosi ay isang arkeolohikong kultura ng panahon ng Longshan, at isang mahalagang katangian ng kultura ng Taosi ang kahusayan ng disenyo ng loong. Nilalarawan ng mga disenyo ng loong ang natuklasang pininturahang mga plato ng palayok na may parehong anyo: isang mahabang ulo na hugis buwaya na may mga palamuting parang sungay sa ulo nito.


Plato ng palayok na may disenyo ng loong, 2,300 BC hanggang 1900 BC

Mga Dinastiya ng Xia at Shang

 

Sa panahon ng mga dinastiyang Xia at Shang, na itinuturing bilang pinakamaagang mga dinastiya ng Tsina na nagsimula mga 4,000 taon na ang nakalilipas, ang loong ay higit pang naging simbolo ng paglitaw ng konsepto ng “bansa.” Ang mga taong Xia ay isang bukas at mapagparayang grupong etniko. Sa aspeto ng kultural na mga gene, hindi lamang nila pinaniniwalaan na ang loong ay kanilang banal na ninuno, kundi pati na rin na ang loong ay malapit na nauugnay sa kaligtasan ng kanilang sariling grupo.

 

Noong 2002, isang sisidlang hugis-loong na yari sa mahigit 2,000 pirasong turkesa ng iba't ibang hugis ang natuklasan sa Erlitou, lalawigan ng Henan. Binubuo ito ng ulo at katawan ng loong.


Sisidlang hugis-loong na yari sa mahigit 2,000 pirasong turkesa, mga 3,500 hanggang 3,800 taong nakaraan

 

Kasunod ng Dinastiyang Xia, ang mga tao sa Dinastiyang Shang ay may higit na sigasig sa paniniwala sa loong at inilibing ang napakaraming sisidlang tanso sa mga libingang sakripisyal. Malaki ang pag-unlad ng materyal at espiritwal na sibilisasyon ng Dinastiyang Shang. Ang relihiyosong kabanalan at kultural na tiwala sa sarili ng mga taong Shang ay nagtaguyod sa masining na paglikha.

 

Sa batayan ng pagpapatuloy ng orihinal na mga disensyo ng dragon tulad ng ahas na dragon at buwaya na dragon, ang mga disenyo ng loong sa panahong ito ay mayroon ding katangian ng mga ibon, elepante, usa, kabayo at iba pang mga hayop, na ginagawang mas misteryoso at napakarilag ang imahe.


Tansong sisidlan ng inumin na may mga disenyo ng loong at tigre, Dinastiyang Shang (1600 BC hanggang 1045 BC)

 

Pagkatapos ng libu-libong taon ng ebolusyon at integrasyon, ang loong sa kalaunan ay naging sublimasyon sa espiritwal at kultural na simbolo ng bansang Tsino.


Editor: Xu Nuo/Zhang Ziyang/Li Siyuan/Bai Ruiyan
Pulido: Ramil Santos/Liu Kai