Himpilan ng CMG sa Yaren, Nauru, pinasinayaan

2024-01-24 15:47:39  CMG
Share with:

Pagkaraang aprubahan ng mga departamento ng pamahalaan ng Tsina at Nauru, pinasinayaan Miyerkules, Enero 24, 2024 ang himpilan ng China Media Group (CMG) sa Yaren, Nauru.

 

Ito ang ika-192 himpilan ng CMG sa ibayong dagat.

 

Sa panayam sa CMG kamakailan, inihayag ni Lionel Aingimeam, Ministro ng mga Usaping Panlabas at Kalakalan ng Nauru, na pagkatapos ng lubos na pagtalakay, ang pagkilala sa prinsipyong isang-Tsina, at pagkalas sa awtoridad ng Taiwan ay tamang kapasiyahang ginawa ng pamahalaan ng Nauru.

 

Ito aniya ay magbubunga ng bagong pagkakataon sa pag-unlad ng Nauru.

 

Sinabi rin niyang welkam magkober tungkol sa bansa ang mas maraming mamamahayag ng CMG.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio