Prinsipyong isang-Tsina, di-makakalakal na pundamental na norma – Ministring Panlabas ng Tsina

2024-01-18 15:27:59  CMG
Share with:

Bilang tugon sa bali-balitang ang pagkalas ng Nauru sa Taiwan ay dahil sa palihim na manipulasyon ng dating pangulo nito, habang kinakalkula ng Taiwan ang kahilingan ng Nauru para sa ekonomikong tulong, inihayag, Enero 17, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagkilala sa prinsipyong isang-Tsina, pagkalas sa Taiwan, at pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay kolektibong kapasiyahan ng gabinete ng Nauru.

 

Aniya, ito ay tumpak at independiyenteng desisyon ng Nauru bilang isang soberanong bansa.

 

Sinabi pa ni Mao na ang prinsipyong isang-Tsina ay isang di-makakalakal na pundamental na norma, at unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig.

 

Ang Tsina aniya ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, kaya’t ang pagpapanumbalik at pagpapaunlad ng relasyong diplomatiko sa Tsina, at pagsasagawa ng pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan ay tiyak na magdudulot ng walang katulad na pagkakataong pangkaunlaran sa para sa Nauru, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio