CMG Komentaryo: Masiglang industriya ng paghahatid, patunay ng paglago ng kabuhayang Tsino

2024-01-24 11:49:52  CMG
Share with:

Paparating na ang Pestibal ng Tagsibol, tradisyonal na Bagong Taong Tsino, kaya naman abalang-abala ang sektor ng paghahatid ng Tsina.

 

Ito'y isang patunay ng kasiglahan ng kabuhayang Tsino.

 


Ayon sa opisyal na datos, Enero 22, 2024, umabot sa higit 132 bilyon ang kabuuang bolyum ng negosyo ng delivery ng bansa noong 2023.

 

Ito ay lumaki ng 19.4% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon, at nangunguna sa buong mundo nitong nakalipas na 10 taong singkad.

 

Ang negosyo ng paghahatid ng Tsina ay katumbas ng mahigit 60% ng kabuuang bolyum ng pagdedeliber ng daigdig.

 

Bilang isang mahalagang bahagi ng modernong industriya ng serbisyo, ang bolyum ng negosyo ng paghahatid ay mahalagang indeks para obserbahan ang kabuhayang Tsino.

 

Ang masiglang industriyang ito ay mabisang pinapasulong ng malaking pangangailangan at mabisang suplay, at sinusuportahan din ng mga mabisang tsanel.

 


Sa kasalukuyan, 350 milyong bagong padalang pakete ang karaniwang pinangangasiwaan kada araw.

 

Samantala, umabot sa 82.5% ang contribution rate ng gastos sa konsumo para sa paglago ng kabuhayan ng bansa noong nagdaang taon.

 

Samantala, ang mga netizen sa Tsina ay lampas sa 1 bilyon, kaya naman umabot sa 27.6% ang proporsyon ng halaga ng online retail sales ng physical commodities sa kabuuang halaga ng tingian ng social consumer product.

 

Ang mabilis at tuluy-tuloy na pagtaas ng negosyo ng paghahatid ng Tsina ay nagpapakita ng pag-unlad ng produksyon at konsumo sa bansa, at nakakapagpasigla rin ng pangangailangan.

 

Ang bawat padalang pakete ay buhay na patunay ng pagiging matatag at maganda ng kabuhayang Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio