Puspusang pagliligtas at paggamot sa mga sugatan sa Jiangxi, ipinag-utos ng pangulong Tsino

2024-01-25 10:52:14  CMG
Share with:

Nasunog, Miyerkules, Enero 24, 2024 ang isang pangkalyeng tindahan sa lunsod Xinyu, lalawigang Jiangxi ng Tsina, at 39 katao ang nasawi, samantalang 9 na iba pa ang nasugatan.

 

Kaugnay nito, agad ipinag-utos ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang puspusang pagliligtas at paggamot sa mga nasugatan, at maayos na hawakan ang mga hakbang matapos ang sakuna para sa mga kamag-anakan ng mga biktima.

 

Hiniling din niya sa lahat ng may kinalamang departamento na imbestigahan sa lalong madaling panahon ang sanhi ng sunog, at seryosong parusahan ang mga may pananagutan, alinsunod sa batas.

 

Ipinagdiinan din ni Xi na kailangang malakas na pigilan ang madalas na pagkaganap ng iba’t-ibang uri ng aksidenteng panseguridad, igarantiya ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan, at katatagan ng pangkalahatang situwasyon ng lipunan.

 

Kasalukuyang sumusulong ang mga gawin ng pagliligtas, paggamot at pangangasiwa matapos ang sakuna.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio