Subok-lunsad ng submersible strategic cruise missile, pinatnubayan ni Kim Jong Un

2024-01-29 17:36:34  CMG
Share with:


Pinatnubayan ni Kim Jong Un, pinakamataas na lider ng Hilagang Korea, Enero 28, 2024 ang subok-lunsad ng bagong-gawang "Rocket-3-31" submersible strategic cruise missile ng bansa.

 

Ayon sa ulat ng Korean Central News Agency, hindi ito nakaka-apekto sa kaligtasan ng mga bansa sa paligid at walang kaugnayan sa kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula.

 

Samantala, sinabi ni Kim, na ang militarisasyon ng hukbong dagat ng kanyang bansa, sa pamamagitan ng sandatang nuklear ay isang kagyat na misyon ng panahon at kinakailangan sa pagpapalakas ng pambansang estratehikong puwersang nuklear.


Salin: Zhang Ziyang


Pulido: Rhio