DPRK, ipinasiyang panumbalikin ang lahat ng inter-Korean communication lines

2021-10-04 11:32:30  CMG
Share with:

Ayon sa proklamasyong inilabas Lunes, Oktubre 4, 2021 ng Korean Central News Agency, ipinasiya ng Hilagang Korea na mula alas-9:00 ng kaninang umaga, panumbalikin ang lahat ng north-south communication lines.

Anito pa, dapat lubos na alamin ng awtoridad ng Timog Korea ang katuturan ng pagpapanumbalik ng inter-Korean communication lines at makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapabuti ng relasyon ng Timog at Hilagang Korea.


Salin: Lito

Please select the login method