Tsina, hinihimok ang Palestina at Israel na agarang itigil ang putukan

2024-01-30 16:17:46  CMG
Share with:

Kamakailan, naglabas ang International Court of Justice (ICJ) ng isang utos sa mga pansamantalang hakbangin sa mga kasong isinampa ng Timog Aprika laban sa Israel para sa pagsasagawa nito ng “genocide” sa Gaza Strip, na kinakailangang isagawa ng Israel ang lahat ng mga hakbangin para maiwasan ang “genocide” at mapabuti ang sitwasyon sa rehiyong ito, kung saan, dapat iulat ng Israel sa ICJ ang kalagayan ng pagpapatupad nito sa loob ng isang buwan.

 

Kaugnay nito, muling inulit, Enero 29, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang posisyon ng Tsina sa mga isyu ng Palestina ay hindi nagbabago at maliwanag.

 


Kinokondena ng Tsina ang lahat ng aksyong pumipinsala sa mga sibilyan, tinututulan ang lahat ng aksyong lumalabag sa pandaigdigang batas, at hinihimok ng Tsina ang mga nagsasagupaang panig na agad at komprehensibong itigil ang putukan, sundin ang pandaigdigang makataong batas at maiwasan ang mas malaking makataong kalamidad.

 

Dagdag pa ni Wang, inaasahan ng panig Tsino ang mabisang pagsasakatuparan ng mga pamsamanatalang hakbangin ng ICJ.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil